Featured

Introduksyon

“Ang daya naman ng tadhana. Mahuhulog na nga lang dun pa sa taong may mahal pang iba.”

β€” 3 a.m thoughts

Siguro ngayon, iniisip mo kung bakit ko ginawa ‘to. Bakit nga ba? Siguro kase dito ko gustong ilagay yung mga tanong, gustong sabihin, o kung ano mang nararamdaman ko tungkol sayo. Na hindi ko masabi ng harapan o direkta sayo. Pasensya na.

My Baby babe, My one & only Baby babe

Naalala mo ba mga sinasabi/pinapaalala ko sayo?

β€’ Na sana lagi mong iingatan yung sarili mo. Dahil kung sumasagi sa isip mo na walang taong nagaalala sayo, andito ako. Hindi ka nawawala sa isip ko.

β€’ Kamusta araw mo? Ayan yung lagi kong tinatanong sayo. Kahit wala akong karapatang magtanong sayo, tinatanong ko padin sayo dahil gusto ko malaman kung paano naging takbo ng araw mo. Kung masaya ba, o malungkot.

β€’ Sana lagi kang masaya. Sana lagi kang nakangiti. Kahit ‘yang mata mo eh mukhang masungit na akala mo laging mangangain. Dahil katulad nga ng lagi kong sinasabi sayo noon, pag masaya ka, masaya din ako. Kapag malungkot ka, doble yung lungkot na nararamdaman ko.

07/14/19

Naalala ko, saturday nito. Chinat ko si sam, para manghingi ng update sa’yo. Kase nung may pasok tayo nung friday pagpasok palang nanghihina ka na eh. Sobra kong nagalala sa’yo. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong dahil hindi ka sumasagot sa mga chat ko sa’yo. Kahit sobrang nahihiya ako sinubukan ko paring kausapin siya para lang mapanatag yung loob ko.

Hindi ako makapaniwalang may dengue ka nga diyan. Akala ko simpleng lagnat lang. Lalo akong nagalala sayo. Umiyak pa nga ako ‘nun haha. Nung nalaman ko na kung saan ka nakaconfine, gusto agad kitang puntahan. Sobrang worried ko sa’yo non. Kaya chinat ko agad si leinosh.

Chinat ko agad si leinosh nun. Kase that time lagi ko siyang nakakausap kaya feeling ko siya yung makakatulong sakin para puntahan ka. Puro kalokohan eh noh haha. Bat kasi nagkasakit ka pa? Hindi mo ba inaalagaan sarili mo ha? Kaya talaga ko magdodoctor para sayo eh. Para hindi ka na magkasakit. Diba sabi ko sayo, sa susunod na balik mo ng hospital eh susunduin mo na ko galing work. Charot. Oh kinikilig na naman yan. Hay nako balmond. HAHAHA joke langπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈβ€οΈ

Design a site like this with WordPress.com
Get started