Blog

  • Introduksyon

    August 18, 2019 by

    “Ang daya naman ng tadhana. Mahuhulog na nga lang dun pa sa taong may mahal pang iba.” — 3 a.m thoughts Siguro ngayon, iniisip mo kung bakit ko ginawa ‘to. Bakit nga ba? Siguro kase dito ko gustong ilagay yung mga tanong, gustong sabihin, o kung ano mang nararamdaman ko tungkol sayo. Na hindi ko… Read more

  • 07/14/19

    August 18, 2019 by

    Naalala ko, saturday nito. Chinat ko si sam, para manghingi ng update sa’yo. Kase nung may pasok tayo nung friday pagpasok palang nanghihina ka na eh. Sobra kong nagalala sa’yo. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong dahil hindi ka sumasagot sa mga chat ko sa’yo. Kahit sobrang nahihiya ako sinubukan ko paring kausapin siya… Read more

View all posts

Sana nakangiti ka habang binabasa mo ‘to. Kase nga diba mukha kang unggoy pag malungkot. Bleh.

Sobra kitang namimiss. Hinihiling ko na kahit minsan sana sumasagi ako sa isip mo. Sana mapagtripan ‘mong ichat ako. Kase namimiss na kita. Sobra. Kahit wala kang kwentang kausap.

you’ve got that smile, that only heaven can make. I pray to God everyday that you keep that smile

Ilang araw ko na bang ginagawa ‘to? Ilang araw ko na bang kinakausap yung sarili ko? Hanggang ngayon iniisip ko padin kung ipapakita ko ba sayo ‘to o wag nalang. Natatakot ako na baka hindi mo magustuhan o baka makagulo lang ako sayo. May gusto lang sana akong itanong sa’yo. Sana ay sagutin mo ng totoo. Masaya ka ba nung nawala ako? Sumaya ka ba nung lumayo ako? O wala kang naramdaman dahil wala ka namang pake sakin? Ano ba ang totoo pagod na kasi akong magisip ng kung ano ano. Na sa huli ay sasaktan lang ako ng sarili ko. Minsan sa buhay sarili mo pa gagawa ng ikasasakit mo. Kagaya ng ginagawa ko. Alam ko ng wala kong pagasa sayo, pero andito parin ako. Walang dapat ibang sisihin kundi ako. Kung hindi ko naman kasi hinayaan mahulog sa’yo edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Bakit ba sa lahat ng pagkakamali mo, puro tama parin ang nakikita ko sayo? Sa kabila ng lahat ng flaws & imperfections mo yung kagandahan mo padin ang nakikita ko? Ganon ba kapag nagmamahal ka, nabubulag ka? Pinipilit mong tignan yung mabubuting side niya, mas binibigyan mo ng atensyon yung magagandang bagay sa isang tao kesa sa mga flaws at kahinaan nito?


Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo, pero parang sa’yo ayaw ng lumayo. Ipagpatawad mong minahal kita agad.

Yung simpleng paghawi mo ng buhok mo, yung paano lumiit mata mo kapag tumatawa ka, yung simpleng pagayos mo ng damit mo, yung simpleng paginom mo ng tubig mo, yung simpleng pagbago ng ekspresyon ng mukha mo, yung mga maliliit na bagay na ginagawa mo, for me, those aren’t little. Dahil para sakin, dun kita mas nakikilala. Dun kita mas minamahal. Yung mga flaws and perfections mo, nung nalaman ko sila hindi manlang nagbago yung nararamdaman ko sayo. Instead mas minahal pa kita lalo.
Design a site like this with WordPress.com
Get started