
Mga bagay na hirap ‘kong sabihin sayo
Hindi umaasang magugustuhan mo
Wala kong ibang hiniling kundi ang kasiyahan ng taong mahal ko
Sana’y maging masaya ka, kahit wala na ako.
Kamusta ka na? Kumain ka na ba? May masakit ba sa’yo? Kailangan mo ba ng kausap? Andito lang ako. Hating gabi na, may pasok na bukas makikita na ulit kita. Lagi mong iisipin na kahit hindi kita kinakausap, andito lang lagi ako para sa’yo. Isang tawag mo lang, pupuntahan agad kita. Isang chat mo lang, rereplyan agad kita. Sobrang hirap pala magpigil. Gustong gusto kitang kausapin pero pinipigilan ko sarili ko. Ayoko na ulit saktan yung sarili ko. Sana masaya ka ngayon. Sana hindi ka na umiiyak. Sana hindi ka na nalulungkot tuwing iniisip mo siya. Magiging okay ka ‘rin. Magiging okay rin ako. Magiging okay ‘rin tayo.

Hindi na kita gusto. Ayoko na sa’yo. Wala na ‘kong nararamdamang pagmamahal pa sa’yo.
Eto yung mga salitang gusto kong sabihin sayo. Pinapaulit ulit ko sa utak ko hanggang sa masaulo ko. Hangga’t tumigil na yung nararamdaman ko sayo. Umaasa ako na balang araw, sasaya din ako. Yung sayang hindi na ikaw ang dahilan ng bawat pag ngiti ko. Yung sayang wala ng kapalit na lungkot na dulot mo. Mahal na mahal kita. At sobra na kong nahihirapan. Hindi ko naman pwedeng ipilit yung gusto ko, na magustuhan mo ‘rin ang isang tulad ko. Pero umaasa ako. Na balang araw, ako naman magbibigay ng ngiti sa mga labi mo.

Patawarin mo ako.
Patawarin mo ‘ko dahil sa kabila ng sakit na binibigay mo, andito padin ako. Bakit ba sa lahat ng tao, sayo pa ko mahuhulog ng ganito. May kasalanan ba ko kay kupido para panain ako sa taong iba naman yung gusto? Lagi kong kinekwestyon ang sarili ko. Kung bakit sa dinami rami ng taong nakakasalamuha ko, ikaw pa yung napili kong mahalin ng ganito. Wag kang magalala. Sabi ko nga sayo balang araw gigising din ako, imumulat ko rin ang mga mata ko. At sa araw na yon, sinisiguro ‘kong wala na kong nararamdaman pa sa’yo.

Mundo’y ikaw parin.
Sinisisi ko yung sarili ko. Bakit hinayaan ko yung sarili ‘kong mahulog sayo. Katulad ng lagi kong sinasabi sa’yo sa tuwing nasasaktan ako, alam ko na magiging masakit ito. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit. Bakit sa maikling panahon na nakilala kita, sobra agad kitang minahal. Sobrang mali. Hindi dapat. Lalo na’t may mahal kang iba. Gusto ko maging masaya para sa’yo. Pero bakit naman ganon, pinapaiyak niya yung taong nagbibigay ngiti sa mga labi ko. Gusto ko maging masaya para sainyo. Pero hindi ko matanggap na nalulungkot ka padin tuwing naiisip mo ang ala-ala niyo. Gusto kitang yakapin kapag nalulungkot ka. Gusto kong sabihin sayo na kalimutan mo na siya. Alam ‘kong hindi ganon kadaling kalimutan siya. Kasabay ng pagdadasal ko na maging masaya ka na, isinasabay ko ‘rin sa mga hiling ko na sana ay makalimutan na kita. Gusto na kita makitang masaya. Tatanggapin ko kahit galing pa ‘yon sa iba.

Ikaw yung lakas ko sa nakakapagod na mundo
Ikaw yung lakas ko, at ikaw yung kahinaan ko. Lahat ng ginagawa ko, ginagawa ko yun para sa’yo. Pasensya na kung may hindi ka nagugustuhan, marahil ay dala lang iyon ng aking pagmamahal. Sa tuwing nakikita ka para ‘kong tangang nakangiti sa kawalan. Yung ngiti mong nakakapagbago sa malungkot ‘kong mga mata. Noong araw na nagkasakit ka, puso’y di makapaghintay na makita ka. Kahit hindi ka natuwa na ako’y nagpunta ayos lang mahal basta alam ‘kong ayos ka. Walang oras na naalis ka sa aking isipan. Siguro nga’y kabisado na ng aking mga mata ang mga ekspresyon ng iyong mukha. Ang iyong mukha na makita ko lang ay lumiliwanag na ang aking umaga. Sa tuwing tinititigan kita, napapaisip nalang ako. Na paano niya nagagawang saktan ang inosenteng katulad mo.

Mahal kita
Sa tuwing napapatitig ako sayo, halo-halong tanong ang pumapasok sa isip ko. Pero sa lahat ng ‘yon wala manlang natanggap na sagot mula sayo. Hindi ko alam kung bakit asa ako ng asa. Eh malinaw naman na wala akong pag-asa sayo. Ano nga ba ang mas masakit. Yung magmahal ka ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba o ‘yung bagay na hindi pa nasisimulan ay tinapos na agad? Hindi ko na alam kung anong mas masakit sa dalawa. Dahil ‘yang pareho ay nararamdaman ko pa. Patawarin mo ko kung sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot mo ay heto parin ako nagmamahal ng totoo sayo. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako humantong sa ganito. Ang alam ko lang isang araw gumising ako gusto na kita. Sa susunod na araw gumising ako, mahal na pala kita. Sa pangatlong araw na minulat ko ang aking mga mata, masaya ka parin pala sakanya. Napakasakit malaman na habang nagiging maayos ang takbo natin, bigla siyang babalik sayo at ako’y bigla nalang iniwan mo. Wala akong karapatang magreklamo sa’yo dahil una sa lahat ay wala namang tayo. Kailangan ko na sigurong pagaralan tanggapin yon. Nakakalungkot isipin na umiiyak padin sa iba ang taong mahal ko. Nakakalungkot isipin na nagagawa niyang paiyakin ang taong nagbibigay sakin ng saya at ngiti. Paano niya ba nagagawa yun sayo? Paano ba tumakbo ang buhay niya sayo, samantalang ikaw ang mundo ko.

Maging masaya ka. Kase ayun yung hiling ko.
Ilang araw ko na bang ginagawa ‘to? Ilang araw ko na bang kinakausap yung sarili ko? Hanggang ngayon iniisip ko padin kung ipapakita ko ba sayo ‘to o wag nalang. Natatakot ako na baka hindi mo magustuhan o baka makagulo lang ako sayo. May gusto lang sana akong itanong sa’yo. Sana ay sagutin mo ng totoo. Masaya ka ba nung nawala ako? Sumaya ka ba nung lumayo ako? O wala kang naramdaman dahil wala ka namang pake sakin? Ano ba ang totoo pagod na kasi akong magisip ng kung ano ano. Na sa huli ay sasaktan lang ako ng sarili ko. Minsan sa buhay sarili mo pa gagawa ng ikasasakit mo. Kagaya ng ginagawa ko. Alam ko ng wala kong pagasa sayo, pero andito parin ako. Walang dapat ibang sisihin kundi ako. Kung hindi ko naman kasi hinayaan mahulog sa’yo edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

You are my sunshine, my only sunshine
Nalulungkot ako kapag nakikita ko yung chat head mo. Nasa recent chats padin kita kahit di na tayo naguusap haha ilang beses ba kong nagtangka kausapin ka? Isa? Dalawa? Tatlo? Tatlumpu? Tatlumpu’t tatlo? Hindi ko na alam haha. Gusto kitang kamustahin. Gusto kong malaman kung kamusta araw mo. Gusto kong itanong kung kumain ka na ba, kung kamusta pakiramdam mo, kung inaalagaan mo ba sarili mo. Hindi sa pinaghihinaan ako ng loob. Ayoko lang mareject ulit. Masakit yon eh diba. Diba?! Sagot balmond. Anobayan ayaw sumagot. de biro lang. Sana maayos pakiramdam mo at sana masaya ka. Wala kong hinihiling sa buhay ko kundi makita kang masaya. Hanggang ngayon pinagdadasal ko padin Sakanya na sana hindi ka na nalulungkot. Hindi ka na umiiyak. Kase hindi mo deserve yun. Dapat masaya ka lang, ha?!! sabi sayo pag malungkot ka kamukha mo si balmond lalo eh. Kaya ngumiti ka. Unggoy ka.
You make me happy when skies are grey
You never know, dear, how much I love you
Please don’t take my sunshine away
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Basta ang alam ko, sobrang saya ko. Kahit yung simpleng chat mo lang sakin nakapagpabuhay sa araw ko. Bakit ba ganito parin ang epekto mo? Hindi ko alam kung ano bang gusto mo. Gusto mo bang kausap ako? O ayun lang yung iniisip ko? Umaasa na naman ba ko sayo? Sabihin mo naman sakin oh. Sabihin mo lang sakin kung gusto mo kong kausap. Pangako lahat ng sakit na naramdaman ko, isasantabi ko para sayo.
Hindi ko alam kung totoo ba ‘tong nararamdaman ko sayo. Kung matatawag na ba ‘tong pagmamahal or maybe I am just in love with the idea of you. Siguro nung mga panahong malungkot ako, nagkataon na ikaw yung nakakausap ko. Siguro kase sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkagusto sa taong walang pinakitang interes sakin. Siguro nabigla lang ako. Sana nga nabigla lang ako. Sana lahat ng nararamdaman ko ay parte lang ng imahinasyon ko.
Sabi nila tanga ‘raw ako. Ano ‘raw bang pinakita mo at nagkakaganito ako sa’yo. Tanga nga ba talaga ako? Matatawag mo ‘bang tanga ang isang taong walang ginawa kundi magmahal ng totoo sa kabila ng sakit na nararamdaman nito? Matatawag mo ba ‘kong tanga kung pinipilit ko pa’ring tumaya sa mundong walang kasiguraduhan kung maipapanalo ko? Siguro nga tanga ako. Kase umaasa padin ako. Na balang araw magugustuhan mo ‘rin ako. Na balang araw ako naman yung pipiliin mo.
Last
Hindi ko alam kung ipapakita ko ba sa’yo to. Hindi ko alam kung handa na ko. Pasensya na ian. Pasensya na kung nasaktan man kita. Sorry kung nakagulo ako. Naiiyak ako ano ba yan namimiss na kita. Pero kailangan kitang tiisin kasi alam kong ayaw mo naman akong kausap eh. Uhmm, sana masaya ka ngayon balmond. Sana inaalagaan mo sarili mo. Nasasaktan padin ako ngayon pero wag kang magalala. Lilipas din ‘to. Sana hindi mo sinisisi yung sarili mo kaya ako nasaktan. Nasaktan ako kase ginusto ko. Lahat ng nangyari masaya man o malungkot, ginusto ko yun. At wala akong pinagsisisihan. Last na ‘to baby babe! I guess this will be my last goodbye. And this time, totoo na ‘to. Sorry and thankyou for all balmond. Thankyou for the happiness, and heartaches. Itetreasure ko tong memories na ‘to. You’re my source of happiness but you’re also the reason why im in pain. Sa lahat ng katangahan na ginawa ko, ito yung favorite ko. Bye balmond. Please take care of yourself. Mahal kita babybabeee!!!❤️ Sobra. Walang makakapantay ng pagmamahal ko sayo. Remember that.
